Bukas na Liham Para sa Gobyerno

Mahal kong mga namumuno,

Nasubukan niyo na bang silipin ang kalagayan ng bansa? Naramdaman niyo na ba ang sakripisyo ng libu-libong mamamayang Pilipino? O kaya nama’y marinig ang kanilang hinaing? Siguro nga’y hindi niyo pa nararanasan ang lahat ng aking nabanggit dahil kayo ay nagpapakasasa sa loob ng inyong kinalalagyan. Ang ekonomiya’y unti-unting bumabagsak, ang lipunan ay punung puno na ng kriminal,ang presyo ng bilihin ay bumababa at tumataas, ang bilihan ng droga at iba’t ibang ilegal na gawain ay hindi na mapigilan, ang mga magsasaka ay wala pang sariling lupang sakahan, ang mga pribado at publikong manggagawa ay maliit pa din ang sahod, korapsyon att paglilitis sa kaso ng mga gahaman na gabinete ng pamahalaan. Ito ay ilan lamang sa mga suliraning paulit-ulit kong napapanood sa telebisyon at tila ako’y utang uta na. Hindi ko alam kung anong aksyon ang gagawin ng bawait isa sa inyo para matigil ang bangungot na walang ibang ginawa kundi pahirapan ang bawat Pilipino.

Taong bayan mismo ang pumili sa inyo at ibinigay ng buong buo ang tiwala at suporta nila kaya sana naman ay gawin ninyong matagumapay ang lahat bago kayo magsilayas sa inyong mga pwesto. Hindi kayo ang nahihirapan sa sitwasyon na ito kundi ang mga Pilipinong walang ibang ginagawa kundi sundin ang pinatutupad niyo. Ilang presidente at senador na ang umupo pero iilan pa lamang ang nagmarka sa puso ng sambayanan. Iilan pa lamang ang nagpatunay na kaya nilang pamunuan ang bansang Pilipinas.

Marahil siguro nga ay hindi pa ito ang tamang panahon. Tamang panahon para makita naming lahat na ang Pilipinas ay umaangat. Ngayon, nalalapit na naman ang eleksyon. Sana ay hindi na maging hibang ang mga Pilipino sa pagpili ng bagong pinuno. Ang iba ay tila silaw sa perang inyong pinamumudmod upang makuha lamang ang kanilang boto para sa mga kandidato. Mga minamahal kong Pilipino, sana ay maging wais tayo dahil ang buhay ng Pilipinas ay nakasalalay kung sino ang pipiliin nating mamumuno sa bansa.

Ngayon, tatapusin ko na ito. Ayokong sumakit pa ang ulo ko tulad ng pagsakit ng ulo ng nanay ko dahil wala pa siyang mapisil na karapat-dapat.

Sumasainyo,
aprincesswithoutcrown

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s