Sinira ng Panahon

Sasapit na naman ang alas dos ng madaling araw

Mananatili na namang bukas ang diwa ko na para bang bintanang winasak ng panahon.

Parang tayo, OO parang ikaw at ako.

Iniisip ko kung paano pinahina ng bawat oras at araw ang pagmamahalan na ito

Ang mga oras na ikaw dapat ang kasama ko, na dapat masaya tayo, ay unti unti nang naglalaho.

Habang tumatagal, ang panahon ay dahan-dahang sinisira ang salitang TAYO

Na dati ay kasing tamis ng kendi ang mga ngiti ko,

Na dati ay langit ang nadarama ko pag ikaw ang kasama ko,

Na dati ay hindi ko mabilang ang beses na hinawakan mo ang kamay ko habang naglalakad tayo,

Na dati ay nararamdaman ko pa yung init ng pagmamahal pag dumadampi ang labi mo sa noo ko,

At lalong lalo na pag sinasabi mo na ako’y mahal na mahal mo.

Oo nagkamali ako.

Sinanay ko ang sarili ko na nandyan ka lagi sa tabi ko

Oo nagkamali ako.

Dahil naniwala ako na kailanman ay hindi tayo magbabago

Oo nagkamali ako.

Na akala ko hindi ako bibiguin ng mga panalangin ko na hindi magbabago ang pagmamahal mo

At oo, nagkamali ako.

Dahil kinulong ko ang sarili ko sa mga salitang “Mamahalin kita hangga’t nabubuhay ako.”

Sa mga oras na ito, gising pa rin ako.

Ayokong ipikit ang mga mata ko na para bang natutunaw na kandila dahil sa walang tigil na pagluha nito.

Nag-iisip ako ng paraan kung paano maaayos ang unti-unting nababasag na puso ko.

Iniisip ko kung paano na tayo sa mga dadaan na minuto, oras, araw, at linggo.

Oo paano na tayo?

Paano na ang susunod na kabanata ng relasyon na ‘to?

Pagod na ako.

Pagod na akong ilabas ang nararamdaman ko.

Pagod na ang mga mata ko dahil sawa na ang mga ito na ilabas ang mga luha na kasingpait ng ating sinapit.

Sana pag gising ko,

Mahal mo pa rin ako.

Sana pag gising ko,

Kasing init pa rin ng araw ang pagmamahal mo.

Sana pag gising ko,

Parang wala nalang nagbago.

Ngunit pilit man nating gawing perpekto ang relasyong ito,

Na pinaikot natin ng isang taon sa binuo nating mundo,

Pero ang katotohanan ay hindi na kailanman mababago

Na tayo,

Ikaw at ako

OO, TAYO

Ay unti unti nang sinisira ng panahon.

Advertisements
Posted in POV.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s