Kolehiyo: Ang Aking Laban sa Unang Taon

“Teka! Sigurado ba ako sa course na kukuhanin ko?”

“Pero bakit ako kinakabahan?”

“Ay! Hindi. Kaya ko ‘to. Gusto ko ‘to eh.”

 

Ito ang mga salitang naglalaban sa aking isipan noong unang araw na tumapak ang mga paa ko sa institusyong kinabibilangan ko ngayon. Hindi ko maintindihan sa sarili ko kung bakit ako kinakabahan sa mga oras na yon pero nanatili pa din akong positibo. Ang unang araw ko ay punong puno ng kasiyahan dahil kakaibang uri ng mga tao ang nakasalamuha ko. Ibang iba sila sa mga dati kong nakasama. Magulo, masiyahin, seryoso, iba iba sila. Natuto akong makisama ng maayos, magseryoso sa pag-aaral, gumawa ng assignment, at matakot sa mga guro. Hindi na nga biro ang buhay kolehiyo. Napakalayo nito sa buhay ko noong high school. Ang mundo sa kolehiyo ay puro pagharap sa hamon kung ipapasa ka ba o mananatili ka nalang pasang awa.

Masaya pala pero syempre, kaakibat nito ang pag-hihirap. Naranasan kong magpuyat dahil sa project at exam; magmadali dahil sa naghahabol sa deadline ng ipapasang project, magpagod dahil sa walang sawang pagpapractice ng sayaw at role playing, magkaroon ng kagalit at kasamaan ng loob dahil sa napakaliit na bagay, magpasa ng article sa publication at isasabay pa ang pasahan ng kung ano mang requirements. Syempre naranasan ko din mawalan ng pera, tatlong beses pa nga eh. Minsan kasi ay katangahan at kapawalang-bahala ang pinaiiral. Pero sanay na ko sa ganitong routine ng buhay ko. Minsan nakakasawa na nga. Pero syempre bawal akong sumuko. Dapat lagi kong isipin ‘yung dahil kung bakit ako nagsimula.

Hindi rin mawawala ‘yung pagkakataon na may magagalit na guro sa amin dahil sobrang ingay at gulo ng klase. Kadalasan din ay nagrereklamo ako dahil napakahirap ng binibigay na exam sa Math, at dumating din yung pagkakataon na nabwiset ako dahil ang hirap magpaexam ni Ma’am **. Hindi niya itinuro pero lumabas sa exam. Ang galing diba? No choice pero kailangan kong manghula para lang pumasa. Dahil sa panghuhula ko, gumana pa nga ‘yung imagination ko, at sakto.. tama naman yung sagot. Very good ako don! Natakot din ako kay Ma’am ** dahil para syang nagtatanong sa korte pag nagpaparecitation. Kaya imbis na makasagot ako ng maayos, lagi tuloy akong namemental block. Pero pasado naman ako sa kanya nung 1st sem, ayos na yon.At meron pang isa, napakahirap naman ng mga binibigkas na salita ni Ma’am **. Pero atleast, ngayon ko lang naintindihan at nalaman yung pronunciation ng ganong salita. Naproved ko din na “being right is not maarte.” Dumugo din yung utak ko dahil nalilito ako sa spelling ng mga words. Ibang klase. Confusing talaga.

Sa unang taon ko sa kolehiyo, iniisip ko na madali pa lahat ng nararanasan ko. Dahil pagdating ko ng 2nd,3rd, at 4th year ay mas lalo pang bibigat ang mga bagay na gagawin ko. Hindi na ko matutulog sa pag gawa ng IMs, paggawa ng lesson plans at iba pa. Ieenjoy ko lang ang pag-aaral. Yun lang naman ang mabisa kong dapat gawin para makapagtapos. Alam ko na hindi pa dito matatapos ang paghihirap ko. May tatlong taon pa ko para patunayan ang sarili ko. Mangongopya pa ko, magsasagot pa ko ng madaming exams, magsusulat pa ko ng madaming essays, magdedemo teaching pa ko, at higit sa lahat.. gagraduate pa ko. Mabuhay tayo!

 

-Bachelor of Secondary Education Major in English.

Advertisements
Posted in POV.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s