Pinili ko ang mapag-isa sa gitna ng pighati nararamdaman ko

Dahil sa tingin ko, iyon ang tama.

Pinili ko na tumahimik sa gitna ng sumisigaw kong puso

Dahil sa tingin ko, iyon ang dapat.

Pinili ko na iwasan lahat ng bagay na nagpapaalala sayo sa bawat araw ko

Dahil sa tingin ko, iyon ang pinakamadaling paraan para malimutan kita.

Pero sa gitna ng pag-iisa ko, hindi ko alam kung dapat pa ba kitang itago sa puso ko,

O mas pipiliin ko pa bang saktan ang sarili ko hangga’t ikaw ang tinitibok nito.

Tinulak kita palayo sa buhay ko kasi pinanghinawakan ko yung salitang “kaya ko”

Kaya ko na wala ka sa tabi ko

Kaya ko na mag-isa

Kaya ko na tumayo sa sarili kong mga paa

Pero wala.. nasanay ako.

Nasanay ako na sa bawat araw at oras, nandyan ka sa tabi ko

Nasanay ako na hindi ako dapat nag-iisa

Nasanay ako na lagi kang nandyan para tulungan ako

At lalong lalo na sinanay mo ko sa salitang “hindi ka nag-iisa hangga’t nandito ako.”

Tumingin ako sa langit na may palubog na araw sa gitna ng pag-iisa ko.

Pinaalala nito kung gaano ko kamahal ang bawat bituin

Na para bang kumakaway sila sa bawat sulyap na binibigay ko

Hindi ko alam kung bakit ikaw yung naalala ko

kahit na ikaw naman talaga yung unang-unang dahilan kung bakit ako nasasaktan.

Nagkamali ako.

Dahil naniwala ako na kailanman ay hindi tayo magbabago

Oo nagkamali ako.

Na akala ko hindi ako bibiguin ng mga panalangin ko na hindi magbabago ang pagmamahal mo

At oo, nagkamali ako.

Dahil kinulong ko ang sarili ko sa mga salitang “Mamahalin kita hangga’t nabubuhay ako.”

Kaya’t heto ako ngayon, napagod akong mapag-isa.

Umupo ako at kinuha ang blankong papel at panulat na puno ng tinta.

Punong puno ang isip ko ng mga salitang hindi ko na kayang lunukin pa.

Para silang mga sinulid na sobrang gulo dahil sa pagkakabuhol-buhol nito

Hindi ko alam kung nasaan ang simula at nasaan ang dulo

O siguro nga eto na yung dulo,

Tadhana ko na tanggapin lahat sakit at pagod na dulot mo.

Kapalaran ko na mag-isang tatanawin ang mga bituin sa langit

At hihintayin ang pagkaway ng araw sa umaga.

Kaya magsusulat nalang ako.

Sisimulan ko sa kung paano nagsimula ang unang kabanata.

Isusulat ko ang bawat detalye ng panahong sobrang saya ng bawat araw at gabi.

Hanggang sa kung paano nabawasan ang saya sa bawat oras na nagdadaan.

At isusulat ko rin ang bawat detalye ng panahon na nagtapos tayo sa “parang masaya nalang.”

Magsusulat ako hanggang sa mapagod ako.

Magsusulat ako hanggang sa maubos ang tinta ng panulat ko.

Magsusulat ako hanggang sa maubos ang espasyo sa papel ko.

Magsusulat ako hanggang sa maging araw ang gabi ko.

Magsusulat ako hangga’t di napapagod ang isip ko sa pag-iisip sayo.

Magsusulat ako hanggang ang matirang salita nalang sa diksyunaryo ay “IKAW” at “AKO”

Inisip ko lang pala ang sarili ko, at ang mga gusto ko.

Binalewala kita at ang mga gusto mo.

Kahit wala ka naman talagang ibang gustong gawin kundi pasayahin ako,

Bigyan ng kung ano-ano

Kahit mag mukha ka nang tanga sa harap ng maraming tao.

Patawarin mo sana ako sa aking paglayo

Hinding hindi na ko kailanman mangangako

Pero sinisigurado ko sayo na babalik ako.

At sa pagbalik ko, tama na yung desisyon ko.

Kaya iiwan ko muna sayo lahat ng mga salitang ‘to

Uumpisahan ko ulit sa umipisa

Babaguhin ko lahat ng letra

Buburahin ko lahat ng diperensya

Na hindi ito ang dulo

Na hindi ko tadhana na pagmasdan ang mga bituin nang mag-isa

Na hindi ko kapalaran na pagmasdan ang pagkaway ng araw sa umaga nang nag-iisa

Na ang mukha ng pag-ibig ay hindi iba iba.

Paghahandaan ko ulit yung araw na sasabihin ko sayo ang mga salitang “MAHAL KITA.”

Kaya hindi na ako mag-iisa.

Advertisements
Posted in POV.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s