Random Thoughts

wag ka sanang matakot kapag nakita mo ang itim na katauhan na bumabaon sa aking pagkatao.

wag kang humakbang palayo.

wag mo kong sasaktan.

lapitan mo ‘ko.

kahit hindi ko na kilala ang sarili ko.

kahit nasa kalagitnaan ako ng pagtataka kung mundo ko pa ba ‘to.

lapitan mo ‘ko.

hawakan mo ang kamay ko nang sobrang higpit

para maramdaman ko na hindi ako nag-iisa kahit na nagwawala ang madilim na bahagi ng pagkatao ko.

lapitan mo ‘ko.

wag mong hayaan na ituring kong kaaway ang sarili ko.

lapitan mo ko.

na para bang hinahatak ka ng malakas na enerhiya patungo sa akin.

tignan mo ako sa mata at hayaan mong kumbinsihin ako ng mga titig mo na ikaw ay kakampi.

yakapin mo ako at iparamdam mo sa puso ko na kailanman ay hindi ko kaaway ang sarili ko.

bigyan mo ko ng dahilan para takasan ang pagwasak sa akin ng galit.

 

wag mo ‘kong sasaktan.

wag mong hayaan na balutin tayo ng katahimikan.

iligtas mo ko sa galit.

sa pagkabigo.

sa pagbabagong anyo.

tanggapin mo ‘ko

at hayaan mong makilala mo ang mundo ko

sa dilim man o liwanag.

wag kang hahakbang palayo.

lapitan mo ‘ko.

 

 

 

 

Advertisements
Posted in POV.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s